FEATURED POETRY: Ikaw Pa Rin ni Angelli Monique C. Catan












I
Pagmamahal ko sayo ‘y tunay at lubos
Mga puso nati’y ating iginapos
Inibig kita kahit ika’y mapusok
Gagawin ko kahit sa buwan sumuntok

II
Mga masasayang araw na nagdaan
Tila wala nang makakapaghiwalay
Kahit sino at ano man ang humadlang
Ating samahan ay lalo pang titibay

III
Aking laging dinarasal sa Maykapal
Na ang puso nati’y ‘di magsiayawan
Ngunit parang iba ang isinisigaw
Ng puso’t isip mo na nanghihinayang

IV
Nababahala na ako araw-araw
Dahil sa ipinapakita mong galaw
Siguro nga’y pagtagal ng panahon
Ako ay tuluyan mo nang ibinaon

V
Minahal kita kahit pa nung kahapon
Mahal na mahal kita lalo pa ngayon
Buong puso’y sayo ipinagkaloob
Mamahalin kita mundo ma’y matapos.

0 comments: